9/07/2009

PAALAM MGA KA-BLOGKADA....

KUMUSTA NA MGA KABAYAN ,
LALU NA SA AKING MGA KA BLOGKADAHAN?
PASENSYA NA PO KAYO ,
DAHIL NGAYONG NANDITO NA ANG MGA ANAK KO
SA HABA NG ORAS ,SA KANILA LANG AY KULANG PA ITO...

NAKAKAPAGOD PERO SOBRANG SAYA KO
PAGKATAPOS NG TRABAHO NAKAKALARO KO ANG MGA ANAK KO
KAHIT SA BISIKLETAHAN AY NASASABAK AKO,
BASEBALL AT BASKETBALL NAPAPATAKBO RIN AKO...

SYA NGA PO PALA MGA KA BLOGKADA
SA INYO AKO AY MAGKUWENTO MUNA
NAG-UMPISA NA PALA SA ISKUWELA
AFTER ISANG LINGGO EH NAG FRE-FRENCH NA SILA.

MARAMI NA DAW SILANG MGA KAIBIGAN
NAKAKALARO AT KAKULITAN SA ESKUWELAHAN
SI BUNSO AY NASA IKA- APAT NA GRADO NA
SI E.G KO NAMAN AY NA PROMOTE AT GRADE SIX NA,
SANA AY PANGLIMANG GRADO PALANG SIYA
SALAMAT AT NA LIBRE ANG ISANG TAON NYA.

MASYADO NA PO AKONG OKYUPADO ,
KAYA SA PAGBA-BLOG AY MAMAMA ALAM NA AKO
PASENSYA NA RIN PO AT SA MGA KABAHAYAN NYO
HINDI NA RIN AKO NAKAKASILIP DITO.

MARAMING SALAMAT MGA KAIBIGAN KO
SA PAGBA -BLOG AY NAKILALA KO KAYO
NAGING MALAPIT KAYONG LAHAT SA PUSO KO
AT NAGING KARAMAY SA TUWA`T SAYA KO.

DENERICA2874@YAHOO.COM PO
YAN ANG E-MAIL ADDRESS NA MAIIWAN KO SA INYO
HINDI KO MAN KAYO MAKAKASAMA SA BLOGKADAHAN
DIYAN EH PUWEDE NYO PO AKONG BALITAAN

GUSTO KO LANG PONG IPAALAM SA INYO
NA SA TUWINA AY LALAGI KAYO SA PUSO KO
UULIT -ULITIN KO MARAMING SALAMAT MGA KAIBIGAN KO
GOD BLESS PO SA INYONG LAHAT YAN ANG MASASABI KO.

8/23/2009

WITH MY BOYS...














SUMMER - 2009

TRES PEDROS...

















FOR THE BOYS ONLY....








HAPPY 11TH BIRTHDAY ERKOM.... (first b-day in Canada






MY FAMILY IN CANADA...