10/05/2006

BAGONG BANSA ,BAGONG PAKIKISALAMUHA by: Josie de silva Ignacio

. . .The WRITER and the blogger . . . .
JOSIE AND me


Ako ay nagtrabaho sa TAIPEI, TAIWAN
Bilang caretaker ang aking napasukan
Sanhi ng kahirapan sa bansang kinagisnan
Sa ibayong dagat ako`y nakipagsapalaran.

Sa loob ng limangtaon , na aking paninilbihan
Panibagong hamon ay aking sinubukan
Sa bansang Canada ako ay nag-apply
At pinalad naman `` visa `` ko`y naapruban.

Sa araw ng pagdating ko, dito sa Canada
Tila baga ibig kong sa `pnas ay bumalik na
Ang pawang nakikita ko puting puti na kalsada
Dahil umuulan ng `` snow `` napakalamig talaga.

Sa dahilang kailangan kong kumita ng pera
Para sa apat kong anak pambayad sa matrikula
Sobrang lamig at `` homesick `` ay aking binata
Kapalit ng dolyar na aking kinikita.

Palibhasa`y baguhan sa bansang napuntahan
Ako`y wala pang kilalang mga kaibigan
At dalawang linggo pa ang mabilis na dumaan
May tumawag sa akin, `` ESPIE `` ang pangalan.

Huwag kang malungkot ang alo nya sa akin
Dahil dito sa Quebec may mga pinay din
Ang numero ng telepono ibinigay nya sa akin
Siya si ``MARJORIE `` taga St. Augustin din.

At bukod nga kay Espie at sa kay Marjorie
Andyan din si `` LEAH `` na tumatawag parati
Samahan pa ni `` THESS `` at ng asawa nyang si `` RICKY ``
Naibsan ang ``homesick`` ng baguhang si ``JOSIE`` .

Ang buhay sa abroad ay talagang ganyan
Iba`t ibang hamon at pakikipagsapalaran
Sa panibagong trabaho at mga kaibigan
Mga bagong kakilala na pakikisamahan.

Mga araw at buwan ay mabilis na dumaan
Marami na akong kilalang mga bagong kaibigan
Andyan sina ``EDEN`, TINY``, sina ``NYMPHA`` at ``EMMA``
Si LYNNETH', si LORRAINE`` at si ``LITO`` na asawa nya.

Kaya ako ngayo'y marami ng kasama
Sa mga lakaran,sa pamamasyal at lakwatsa
Talaga namang anong saya pag nagkasama-sama
Magkantahan sa ``videoke`` ang libangan t`wina.

Ako ngayon ay masaya na dito sa bansang Canada
Dahil ako ay hindi na nangungulila pa
Pagdating ng araw na dito`y maging ``CITIZEN`` na
Pangarap ko sana...makuha ang pamilya.

Hanggang dito nalang itong tula ko mga kaibigan
At sana itong katha ko`y inyong maibigan
Sana sa susunod inyo ring matunghayan
ang mga tula kong kayo ang hahandugan....

15 comments:

rHo said...

ang galing-galing naman gumawa ng tula! hehehe! talagang nagr-rhyme yung mga words... hehehe!

cheeerrrsss for that!

Tin said...

Hi Eden,

Once again thank you! Ang galing talaga and I finally meet her kahit picture lang nya, ngayon isa na ako sa mga taga-hanga nya kamo and thanks to you!

Nice picture you have there!

Hugs,
Tin

Ferdz said...

Nice poem! Ipinakita nya ang buhay ng isang overseas filipino worker. Did you make this poem?

tutubing_karayom said...

Wow! mahilig din ako sa mga tula, tula.. hmm pero nawawalan kc ako ng time. meron nakong mag tulang nasalinan ko ng melody...

ghee said...

ayun.. kilala ko yung beautiful lady sa right,at sha pala si Josie.

Galing ng tula mo Josie!Mabuhay ka!

tenx at nag reply
ka sa comment ko sa baba :)

happy weekend,Eden!

HiPnCooLMoMMa said...

mabuti nalang andyan kayo, at least maganda ang adjustment ni Josie sa Canada.

cruise said...

ganda ng picture nyo ng writer may initeresting na tula.

iniisip ko tuloy kung sino ang gusto kong makasamang sikat sa picture para ma ipost ko rin, hehe

eden said...

rho - oo nga eh makata nga ang tawag namin sa kanya dito sa quebec:)

tin - hello friend.hayaan mo makakarating ngayon din :) sabi ko nadagdagan na naman fans nya :)im on the phone wd her rt now !

ferdz - naku eh hindi ako, kung di si JOSIE yung kasama ko sa picture.sya yung may akda sa 2 tula na nasa blog ko :)

tk - salamat kafatid dahil kahit alam kong bz ka eh hayan at nadalaw mo bahay ko :) ill check your blog shortly!

ghee - you are most welcome:)at hayaan mo ill extend your "mabuhay"
to JOSIE!

girlie - thank you darling for the visit and comment.yun lang ang nakakatuwa sa mga pinoy ,dahil kahit saan man makarating, magkakapatid pa rin ang turingan.

GREAT WEEKEND TO EVERYONE !

eden said...

cruise - tnx for the comment maganda :) heheh! d naman !

hindi mo na kailangan ng kasama sa picture na sikat ,coz you yourself eh sikat na d ba??? :)


kind regards!

Sidney said...

Nice picture!
I would say nice poem but I don't understand enough of the language :-(

Francesca said...

to josie: korek ka, hirap mag adjust sa bagong bansa. I was 6 months iyak ng iyak non, miss ko na mga anak ko, pero after 5 years pa pede uwi.
Tyaga lang at pag natapos na mga bata, donya ka na, di na kayod para sa kanila. Basta keep good friends, very rare na makameet ka ng good ones these days. Enjoy life, balanse lang baga.
To eden, turuan mo kaya josie mag blog, lol, palit turuan ka niya mag tula!
o DI BA? (wink!)

eden said...

sidney tnx for another visit and posting a comment :)

ate amy - hello there,tnx as well sa dalaw at komentaryo.actually may blog si ate josie sa friendster nya and all her poems are published at one of fililpino magz. d ko lang sure yung name.ok bye for now and enjoy reading the other poem up there:)

ask ko nga sya turuan ako sa paglikha ng tula eh kaya lang d ko ma career hehehehe!

Kimberley said...

TWO beautiful ladies!

kneeko said...

galing ah... wheew kaya lang di ko masilayan ang mga pictures...

eden said...

kim - tnx for the BEAUTIFUL :) but you are one beautiful too !


kneeko- ano ba naman kafatid :(
d bale nasa image cave na yung iba :)