10/04/2006

DAYUHANG MANGGAGAWA by: Josie de silva Iganacio


BAKIT NGA BA TAYO LUMISAN SA ATING BAYAN?
AT ANG ATING PAMILYA`Y ATING INIWANAN
BAWAT ISA SA ATIN AY MAY KANYA-KANYANG DAHILAN
ANG KARAMIHAN SA ATIN AY PROBLEMA SA PINANSYAL.

MAY MGA KABABAYAN TAYONG KAY-INAM NA NG BUHAY
DUON SA INANG BAYAN NA KANILANG KINAKAMTAN
SUBALIT NAHIKAYAT NA IBENTA ANG KABUHAYAN
UPANG SA IBAYONG DAGAT AY MAKIPAGSAPALARAN.

ANO NGA BANG MAYROON SA LUPA NG DAYUHAN?
AT TAYONG MGA PINOY AY NANGINGIBANG BAYAN
MASARAP BA ANG MAMUHAY NANG NAG-IISA LAMANG?
AT WALA ANG PAMILYANG SA ATIN AY NAKAAGAPAY.

MAY MGA DUKTOR AT NARSES TAYONG KABABAYAN
NA SA IBAYONG DAGAT DUON NANINILBIHAN
PAWANG MGA MAYSAKIT, ANG KANILANG INAALAGAAN
PAMILYANG MAY KARAMDAMAN DUON SA `PNAS AY INIWAN.

IBA NAMAN SA ATIN, ``CAREGIVER` ` AY PINASUKAN
KATULAD NA LAMANG NG LINGKOD NYO AT KAIBIGAN
MGA ANAK SA `PINAS..LAKAS- LOOB NA INIWANAN
AT KAHIT SA IBANG TAO, SILA`Y PINAAALAGAAN.

IYAN AY ILAN LAMANG SA BUHAY NATING MGA DAYUHAN
NA PATULOY NA NAKIKIBAKA DITO SA IBANG BAYAN
LABAG MAN SA KALOOBAN, AY ATING PINAGTITIISAN
KAPALIT NG DOLYAR, PANGSUPORTA SA MGA MAHAL SA BUHAY.

BUHAY SA ABROAD...AKALA NILA AY KAYSARAP
PAMILYA SA PILIPINAS, SA TUWING ATING MAKAKAUSAP
ANG PERANG IPINADALA KELAN DAW BA MATATANGGAP?
ANG HINDI NILA ALAM, TAYO RIN DITO`Y NAGHIHIRAP!

HINDI PWEDE ANG MARUPOK NA MANGAGAWA ANG MAGDAYUHAN
PAGKAT IBA`T IBANG PAGSUBOK ANG ATING MARARANASAN
DAPAT AY MAGING MATATAG SA MGA UNOS NA DARATAL
KAYAT PALAGI TAYONG KUMAPIT SA ATING POONG MAYKAPAL..

12 comments:

eden said...

This poem is dedicated to all overseas Filipino workers.Josie is a good writer of Filipino poems and her writings has been published at different 'pinoy ' magazines abroad.

Hope you like it!

eden said...

I'll be sposting more of her writings dito sa blog ko kaya ABANGAN ...

lws said...

lahat ng nakapaloob sa tula ay totoo tama nga naman na laging magdarasal :)

God bless din :)

Francesca said...

realistic views!
why we are in abroad?
Circumstances made it.
Financial is the number one reason.
Mahal ang college, kaya to have return investments si Mama at Papa, dollar ang kikitain lalo na kung may opurtunidad na makalabas ng bansa.
Di ko masisi ang ating mga magulang, sila rin, sobrang tiis na sa hirap sa bansa natin.
There are green pastures everywhere where money flows like milk and honey.But hirap naman makalusot sa immigration.

But I dont see the idea that some stayed in Middle East countries and have worst life in compare sa sariling bansa, masabi lang na abroad sila.
Im talking about Pinays who had been rape, beaten up and no salary, masabi lang na abroad.
They dont want to go home, nahihiya. Hanap na lang ng swerte kesa lunukin ang pride na they fail in abroad...
Eden, ty sa visit mo sa blog ko,hope di ka na tumatawa, haha.
i would love to read some more of your friend's blog...ill come back!

rHo said...

awwww... nakaka-touch naman yang tula mo! ala eh, parang "no choice" na talaga kaya nagpupunta sa ibang bansa ang marami sa atin. syempre, paano naman kasi ang mga mahal natin sa buhay don db?!

tama ka te, kailangang maging matatag sa lahat ng pagsubok na darating!

Tin said...

Hi Eden,

Kumusta? Salamat ng marami for sharing that wonderful thoughts to us. Fortunately, nakapag-asawa ko ng puti kaya ako nandito ngayon sa Amerika but my sympathy goes to all our fellow Filipinos who give-up their family for a moment and work abroad. I hope it will inspire us to always remember that "There's no such place like home.." Miss ko na rin ang family ko and I'm sure you missed your kids so badly-ingat ka nalang dyan ha!

Hugs...

Sidney said...

Home sweet home, isn't it!

tutubing_karayom said...

waaaaaa.. namiss ko ang pinas

ghee said...

true..indeed..

sino si Josie?

hay,salamat at naopen ko yung comment box ngayon :)

have a lovely day,Eden!

Pipay said...

huhuhu. touched ako. iyak ako! makibaka! ehehehe

Good poem, nakakabuhay ng damdaming makata/pakikibaka.

HiPnCooLMoMMa said...

mga modern day bayani ang mga kapatid nating ofws...bilib ako!

stay strong Eden...

add moko skype mo ms_girlie_gurl id ko

eden said...

hello everyone:) by the way josie is a friend here in quebec.shes from bulacan PHILIPPINES.i guess shes been here for over a year at syempre kasama sa gala at lakwatsa hehe! to know more things about her eh heto ang isa pang akda nya :)....yung bagong post ko!


enjoy reading!kind regards to all!