10/10/2006

O AKING INAY...... by josie



Sa aking paglaki`y ikaw ang aking ilaw
Laging nakagabay sa lahat ng aking galaw
Sa lahat ng sandali ng aking pangangailangan
Ikaw aking inay ang palaging nilalapitan .

Dumating ang panahon na akoy nagdalaga
Ikaw aking inay, nandyan pa rin sa t`wina
Sa aking mga lakad palaging nagtatanong ka
Tila baga pakiwari ko, ako`y nasasakal na!

Kaya`t kung magkaminsan, ikaw ay nasasagot ko
Nang mga katagang tila wala nang respeto
Kaya`t nalalaglag ang luha sa mga mata mo
Dahil sa katigasan nitong aking ulo.

Dumating ang sandali na ako ay lumisan
Dito sa ibang bansa, ako`y nakipagsapalaran
Palaging nag-iisa, walang inang gumagabay
Mahirap palang mabuhay nang walang inang kaagapay.

Sa iyo aking inay patawad ang hiling
Sa mga inasal ko nuong ako'y nasa iyong piling
Ang iyong mga pangaral at mga tagubilin
Ang palagi ko ngayong guguni-gunitain


Nasambit ko na ba sa iyo ang katagang Mahal kita
Alam kong ngayon ito ay napapanahon na
Habang naririyan ka at mayron pang hininga
Aking sasambitin INAY , MAHAL KITA !

Diyos ko dinggin Mo ang mga dasal ko
Nawa ang aking inay, sa tuwina'y ingatan Mo
Upang sa aking pag-uwi siya ay madatnan ko
Mahagkan at mayakap sa mga bisig ko.

15 comments:

eden said...

Josie composed this poem and dedicated to my sister leah.she used to come for a visit before at my sisters apt.every weekend and she happens to witness leah having an LQ (mother and daughter love quarrel) with my mom over the phone! ...after awhile..TARANNN

thats the story why this poem was composed and she really made leah cry with this one !

to all fellow blogers,i promise to resume photoblogging within the week! tnx and kind regrards to everyone

rHo said...

huhuhuhuhu.... naiiyak ako! nami-miz ko si ina! ang hirap nga talaga pag malayo kay nanay lalo na pag may sakit! haaayy.. d bale, makikita ko na sila sa December ulit! yeheeey!

ate, sabihin mo kay te josie mag-blog na din sya! kasi ang galing nya talaga... keep it up po!

eden said...

hello ro anne - sabi ko nga sa kanya nasapawan nya na ako sa blog ko hehehe :)d bale basta naishare ko lahat sa inyo d ba?

tnx for the visit and for the comment .yup actually josie has her own blog sa friendster.

Francesca said...

magaling ang ina, super salbahe ang anak, hahaha!

teka eto piece of my mind.
Ang mga ina these days (sama na ako) pag nasa abroad, they give everything and deny nothing to children.Parents do not exercise parental authority anymore. No discipline baga, because they are away.
I dont.
Even dito ako sa France, sunod buntot ko sa mga anak ko. I discipline the with love.
Usually I ask: you think, anak thats the best thing you should do?
Ipasa ko nga ang load sa kanya to decide, bwehehe.
Nagiisip sila. Then asked me back what are my suggesttions. Voila.
Sunod nila si mama.
Dapat parents give options to kids. If they choose one option, give them the consequences. And they deal with it, hehe.
COngrats to josie. Iniwasan ko wag maiyak while reading , tabi ko Michel, LOL

Iskoo said...

what a coincidence, my mum love roses, kung bibigyan ko siya ng magandang tula tulad ng ginawa mo at sasabayan ko ng abot ng ganyang kagandang rosas, baka ako na ang magiging pobiritong anak ng nanay ko :)beetvwm

Tin said...

Hi Eden,

As usual- napakagandang katha from no other than M. Josie...nakakahiya habang binabasa ko eh di ko mapigilan ang aking luha-though I'm still at work mabuti nalang at meron akong sariling space to emote-lol!

Missed ko tuloy lalo ang Nanay ko but I'm happy since I was able to talked to her last weekend - the whole family! Haay...I did it once - medyo nasakal ako ng husto kaya sinigawan ko Nanay ko but after that I realized my mistake- I love my Mom so dearly and I do really missed her a lot...Im sure your kids feel the same way since you're gone..kailan pala ang plan mo Eden to visit them?

Ingat!

mstwntd05 said...

ganda nman ng poem! kakaantig ng damdamin, huhuhu! T_T

Sidney said...

Beautiful!

kneeko said...

damn... this one is really nice...

napaiyak ata ako ah.. singhot...singhot..

tissue please... singhot..

hay sana makita ko rin ang may akda..

tnx for sharing

eden said...

ate amy - hello tnx sa dalaw at komento .ako rin naman kahit malayu sa 2 anak ko lagi ko bilin kay nanay huwag spoildin yung mga bata.at lagi rin ako tumatawag at pinagsasabihan silang magpakabait lagi! opo mommy naman lagi sagot :)palibhasa kasi 8 and six yrs old palang sila.mag 7 narin bunso ko sa dec.4!

ingats lagi!

eden said...

iskoo - tama gawin mo daliiiii!

eden said...

tin,
hello dear!me too sometimes i do that to my mom but later on tawag ulit at mag sorry.

about oyur question on planning to go home.as of now i can not coz nabuksan na papers naming mag- iina.still waiting foe the result but hopefully to bring my kids here by april next year if GOD's will.kung wala parin papers namin by that time ill bring them here as visitor muna till ma approban na yung papel namin,then they just need to go out of canada para sa re =entry nila.U.S naman pinakamalapit na puntahan.thats the plan as of now :)

tnx!

eden said...

mstwmtd05 - ako rin naman naantig sa tulang yan :)tnx sa dalaw ha!


sidney - i agree with you.beautiful poem indeed!

iskoo - d mo naman binabasa lahat hehe! si josie yung may akda na syang kasama ko sa larawan sa ibabab mismo ng tulang yan :)
yan ha nakita at pinakilalal ko na sya.

tnx everyone and to Josie MABUHAY!

Anonymous said...

wow! beautiful poem and rose.

makata talaga si Josie anoh?

eden said...

ghee- tnx ulit! sinabi mo pa! magaling talaga sya pag tula na ang pinag uusapan :)

makata indeed :)