2/27/2007

PAGKAIN AT TULA NI LOLA.....

cake
lumpiang shanghai
dumpling
miryenda
santambak na (SUSHI)


Wala akong maisip ,
dahil pagkain lang nasa isip ,
naku eh sensya na kayo,
pagkain itong nakikita nyo.


Ito pinagkaka abalahan ko
pag araw ng sabado at linggo
Catering ,by order ito
para makaipon ang lola nyo
Maipadala kay E.G at Ericson ko.


Aba -aba tumataba ako,
dahil sa katitikim ko
bago pa maideliber ito
nakadami na ang lola nyo.


O sya paalam na muna
ako ay mag tratrabaho pa
baka madatnan ni amo dito
eh d ako bigyan ng sweldo
dahil nag bla blog lang pala ako
dito sa trabaho (hehehehhehe)

15 comments:

ghee said...

sarrraaaaap!yummmy!!gusto ko yung lumpiang shanghai!!pwedeng mag padeliver din ditto?haha!

yan pala ang pinagkakaabalahan mo :)
keep it up para masaya si E.G at Ericson mo :)

Marie said...

pssssst bawal yan at baka lumobo ka! pero penge nyang black forest.

HiPnCooLMoMMa said...

share mo naman recipe nyan, tenk u

Francesca said...

Nakupo eden, wag sobra taba ha? alamko malamig dyan, pero kung kaya mo mag green salad muna, in a month, mama mia. Ok lang lumpia with lettuce.
OK, basta, sarap ng luto mo, kaya patikim, hehe

eden said...

ghee - hahaha oo ba ,basta ikaw na magbayad para sa delivery :) libre na yung foods hehe!

hugs!

eden said...

ate marie - hay sinabi mo pa .angsarap kasi kumain ,lalu na malamig dito!

sige isang malaking slice ng black forest para sau :)

eden said...

girlie - oo ba, alin ba sa mga pagkain ang gusto mo ng recipe ?
pero lam mo lumobo na talaga ko (huhu hirap mag diet)

tnx!

eden said...

francesca - te amy eh paano kung lettuce nga pero isang tambak na lumpia naman hahahaha! ay basta dapat pumayat ako bago mag summer....sige na nga puro salad nalang muna ako :(

sige te tikim -tikim lang libre yan :)

ann said...

Kakagutom naman dito, yang shangahi na yan kahit paulit-ulit di nakakasawang kainin no. Meat ba yang filling ng dumpling mo?

iskoo said...

maganda yang naiisip mong hobby at napagkakakitaan, tska kapag pagkain talaga patok na business, lalo na kung masarap kang magluto, mukhnag masarap yang mga pagkain na yan. patikim!

jhenny said...

yummy! fave ko lumpiang shanghai at dumplings at cake syempre hehe..


i one of my frustrations in life is cooking :(

eye said...

waaaah ang sasarap naman ng mga to! gusto ko nung dumpling saka yung mga sushi :) pwede bang ampunin mo na lang ako hehe! o kaya baka kelangan mo ng assistant, ako tagatikim :D

rHo said...

ang sarap naman! ginutom ako... at aliw ang tula ha! hehehe..

Anonymous said...

Hmmmmmmmmmm ako rin gusto ko sushiiiiiiiii nakakagutom naman. Kelan ba tayo magsushi party? hien.
Bago ka magluto mag bike ka muna para may place sa pagtittikimm hehehhe.
Lorraine

Anonymous said...

eehhhhhhhhhhhh ano ba yan napindot ko ang anymous nilagyan ko naman ng pangalan naku obselete talag sa computer. pasensya na kayoooooooo.
Lorraine