2/21/2007

POST V - DAY - PIX

Hello ,hello mga ka blogkadahan.Sori ngayon lang ulit ako naka-update gawa ng busy ang lola nung nagdaang mga araw.Hindi bale heto at buhay na buhay na naman.Sya nga pala Belated happy V-day sa lahat.Kung ang iba sa inyo eh nakipag chat sa mga kasintahan o asawa dahil malayo sila, ,at ang iba naman ay nakatanggap ng bulaklak o tsokolate nung araw na yun,ako naman po eh walang natanggap na bulaklak .....heto ang kwento ko,basahin nyo.......
Busy ako nung araw na yun ,ibigsabihin eh nagtrabaho ako.Pumasok din sa trabaho yung kasama ko ,ibig sabihin pareho kaming gumawa ng pera ni steeve nung araw na yun. After work eh sinundo nya ako,heto na..


sya: "Honey its the first time we're together this V-day but sorry to tell you we cannot go out for a dinner.No body will babysit steeven ,not to mention i want to save money for your kids arrival,to buy plane ticket.( but weekend before v-day eh we already had dinner out with his family. Oldies lang no kids)

ako: oh, thats fine honey,I understand ,its ok (pero sa loob ko hmp, d yata ako special ,perst tym pa naman naming magkasamang v- day.....pero d bale para naman daw sa 2 anak ko kaya nagtitipid) padating na kami sa bahay sabi nya..
"i need to buy something at the grocery (katabi namin yung tindahan) kaya mauna na raw ako .. i'll be there shortly sabi nya. Pagdating ko sa bahay eh VIOLA!Sabihin nyo nang korny yung kasama ko pero alam nyo ba pagpasok ko sa bahay eh puno ng dekorasyon ang kabahayan.Syempre pa eh d mula sa sala,kusina.kuwarto,at pati kanyo sa banyo eh may nakasabit na puso heheh...lahat ng larawan sa ibaba yun na yun !


Sumalubong pa ang aming binatilyong si Steeven, sabay halik sa akin sa pisngi at bumati ng Happy V-day at inabot yung V-card na ginawa nila sa school .Naku lalo ko naman tuloy na miss yung dalawang kolokoy ko, si E.G at Ericson .Syempre kasunod ko ring pumasok ng bahay si lolo Steeve.Tanong nyo kung ano kinain namin ??? muntik ko na nga makalimutan i share ,buti naisip ko pa ,oh sige na nga ano pa eh di yung simple at masarap na Fondue.Fondue meat,hipon,sliced chicken breast,at syempre yung pinakamasarap na gulay walang iba kungdi yung kabuti ,oh d ba?

Hindi ko na inilagay yung larawan ng pagkain kasi nakakahiyang i -post sa dami ...para naman hindi mapaghalatang (matakaw )mahilig kaming kumain.Kaya nga d na ako makapag post ng bago kong picture kasi as in debie- debie na ako. Curious tuloy kayo ano? Tumaba ng husto ang lola,pero d ako jontis ha! at wala ng balak pa.
Sori, sori naman.Napahaba na ako ng kwento,oh sige na , paalam na mga prendz ,anong sey nyo?Yun wala man akon natanggap na bulaklak nung araw na yun eh namulaklak ng husto ang puso ko sa tuwa at saya.....eat bulaga!
















20 comments:

jhenny said...

wow!!! ang sweet naman! belated happy valentines din sayo eden :)

HiPnCooLMoMMa said...

huy teka, meron pa ba natirang pamasahe para sa dalawang kolokoy? sa dami ba naman ng paraphernalia na pi-nost mo, aba baka lumipad gamit pakpak mga anak mo, hehe...

sweet pala nyang kasama mo? uuuyyyy, tuwa sya =)

im happy for you....serious =)

eden said...

jenny - hello ! Belated happy bithday ulit! angsaya naman ng bithday celebration mo :) Good luck !

eden said...

girlie - hello dear ! ang dami ngang burloloy eh,nakakalula . yaan mo check ko bulsa nya mamayang gabi kung siguradong may pamasahe pa yung dalawa :)

btw i like your new picture ,kewl!

kind regards!

rHo said...

ang gaganda naman! valentines na valentines pa rin dito ah.. hehehe!!

ingatz ka lagi te! God bless po... mwuahuggggzzz!

lws said...

masaya ako para sa'yo sis :)

*hugs back na mahigpit din*

hinay hinay sa kakakain :Ddi bale busog ka naman sa pagmamahal :)

ghee said...

wow nman Eden!!mas masaya pa ng ayan kesa sa dinner sa restaurant.imagine,Vday decors??ngayon lang ako nakarinig na nag dedecorate pag Vday :)

enjoy na enjoy ka pala,ang sarap sa inyo,dito sa amin,walang life,di masyado pansin ang Vday,o kaming mag hubby lang yun?hahaha!

Tikey said...

Waw... pa effect... nyahahha.. ganun daw tlga pag me supresa kunwari ala, pero meron meron meron! nyahahah.. hay parang never nman gagawin ng asawa ko ang ginawa ni Hubby mo... huhuhu pero malay ko diba? nyhahah

eden said...

rho- oo nga v- day parin dito sa bahay ko,wala lang feel ko pa kasi "wink" o sya salamat sa dalaw kafatid ,post ako bago sa lunes na siguro :)

eden said...

lws - tnx sa advise,ang sarap naman kasi talagang kumain lalu na malamig dito sa atin...haaaay!
sana nga pumayat ulit ako bago mag summer :)hinay hinayin kolang kumain hahahah!

kind regards!

eden said...

ghee- hello friend,naku masaya talaga, eh ako nga d ko rin akalain na mag dedecorate yung kasama ko ng ganun.Normal na sa akin yung magandang table setting kasi mahilig talaga sya nun,pero yung may nakasabit na puso sa kabahayan eh ngayon ko lang din naman na xperienced yun (kilig)

tnx sa dalaw!

eden said...

tikey - hahaha ikaw ha isusumbong kita kay kuya steeve mo,pa effect ba ???

sabihin mo kay fafa piolo mo mag blog narin,para mabigyan namin ng tip kung ano dafat nya gawin sa v -day na magkasama na kau.(kunwari d mo alam nyahahahaha!)

Ferdz said...

Hahaha! Nakakatuwa naman. Nahuli ka nila dun ah! Ang gagandang decoration. Magandang idea yung nagawa ng asawa mo ah :D

ann said...

Wow! Pulang pula yang bahay nyo ha! Daig mo pa ang nag dinner sa resto nyan, labor of love di ba?

Kaya lang parang sayang yung decoration kung aalisin agad pwede kayang hanggang march na yan...hehehe.

Marie said...

Napaka sweeeet naman pala ni steevee
at marunong ding magdrama, hahaha
naku eden sensya na sa late comment kong ito, panis na balita bago ko mabasa.

Francesca said...

wowowow, kelan dating nila, eden, im eskayted na for you, haha.

And, talking about debie debie, nakupo, ingat sa kain, ilang kilo ka na ba ngyun?

Salad ka muna, or veg soup muna if malamig, hirap mag reduce oy!
siya bon weekend, im making rounds, kasi may oras, like you too busy rin,
muah!

eden said...

ferdz - o pano yan? eh d may idea ka na next year :) tnx!

eden said...

ann- tenk you :) good idea yan ,kasi march eh birthday ko naman kaya yung decor eh dun muna "wink" (tagal nun ah)

eden said...

ate marie - naku ,sweet talaga,malapit na langgamin sa tamis hehe !

nga pala ok lang pag d ka makadalaw lagi lam ko naman bz bz sa business!

kind regards!

eden said...

ate amy - kmsta dyan sa france? lam ko lagi ka masaya kahit pagod kasi nandyan na 2 kids mo , eksayted lang kami masyado sa pagdating ng mga bata pero medyo matagal pa rin yun :( but i hope within this year na kasi napadala na ng canadian embassy yung application form kay nanay.

naku eh angsarap kasi kumain pero hayaan mo take ko advice mo.anghirap nga mag reduce.biro nga ni steeve medyo sa unahan daw muna ako or sa likuran pag mamamasyal kami hahahha! d na holding hands :( (loko nya no?)