3/27/2007

ITS MY DAY !









Salamat sa inyo
mga kaibigan ko
at kayo ay nakadalo
sa konting salu-salo

masaya ang tropa
pag nagka sama-sama
kwentuhan at sayawan pa,
may awitan sa tuwina,

noung araw ng sabado
kami pa ay nagpalaro
at ang nanalo dito
ay may maliit na tropeo

salamat sa iyo AMA
sa lahat ng mga biyaya
ako ay laging pinagpapala mo
ako naman ay hindi nakakalimot sa IYO !

3/22/2007

ERCHOME IS TWO YEARS TODAY...



I'm Sending this message
Sealed with warm embrace
That I hope put a smile
Upon your lovely face

Between the lines
i hope you'll see
how very dear
you are to me

For theres a magic
in blog-world
That can speak of happiness
thats felt not heared

So accross the miles
im reaching out like a warm wind
to let you know that I
appreciate you all my blogger friends ......

3/21/2007

TUTUBING KARAYOM - TIKEY....

Ang bagong bahay na nakikita nyo
Gawa ni tutubi ito
Handog at kanyang regalo
Para sa aking anibersaryo

Halik at yakap ang handog ko
pasasalamat sa iyo tutubi ko
bagong bahay na ginawa mo
tuwa't galak ang nasa puso ko

o sya paalam na muna
at akoy mag- iisip pa
pang post sa blogsary ko bukas
sana huwag nyo itong mapalampas .

3/20/2007

PINATUBONG " POTATO "

click on the
image for a larger
version....

Sa kakukulit kong kumain ng kanin sa kasama ko
eh ito ang inabot ng "potato ko"
lagi naman akong nananalo
pag kanin ang request ko
at hindi potato ang hapunan ko

Nakakahiya mang i share sa inyo
eh gusto ko lang ipakita ang litrato
bago ko man lang ibasura ito
eh gusto ko makita nyo .....

Spring time na rin
d ko alam kung pwede itong itanim
sa likod ng bakuran namin
para sa susunod ay may mahukay rin .....

3/19/2007

EXERCISE BUDDY!




As Girlie ,ate Amy and most of you advised ,I really do need exercise.Mama bok said at Girlies blogsite A family that exercises together ,stays together kaya yun inumpisahan na naming mag ehersisyo ng lolo nyo!

Heto heto ang tula ko
Para sa inyo
Tumaba ng husto ang lolo't lola nyo
Kaya kailangang mag ehersisyo

Naku anghirap naman nito
bisikleta at weider kaharap ko
d ko paman nakakalahati ang oras ko
eh bumibigay na ako

ang hirap tunawin ng taba
lalu na kung ikaw ay tamad talaga
sana lang d ako sumuko
sa pag eehersisyo ko.

Si lolo steeve nyo
talagang desidido,
kahit hinihingal na ito
hindi ko mapahinto,
Sa pag eehersisyo
talagang desidido ito .

O sya paalam na muna
ako ay mag tratrabaho pa
ang pag eehersisyo
mamayang gabi ay itutuloy ko
kasama ang weider at bisikleta ko..


3/13/2007