10/19/2008

NAKAW NA LARAWAN (stolen shot)

Kumusta sa inyo mga ka blogkadahan
at sa mga dumadalaw dito sa aking tahanan
Nais ko sana kayong lahat ay handugan
ng mga kuha kong larawan
kahit pagkuha koy panakaw lamang. ( katuloy ng tula sa ibaba....)



Malapit na namang umulan ng yelo
dito sa lugar kung saan ay nakatira ako
kayat habang may oras ay namasyal ako
kasama syempre si ``lolo`` Steeve na mahal ko

Nuong isang linggo kami ay napadpad dito
sa lugar kung saan ay gumaan ang loob ko
maganda hindi po ba? Kung mapapansin ninyo
eh pang lovers delight yata ang lugar na ito
anong sey nyo?

palibhasa hindi marunong kumuha ng larawan
itong aking kasintahan
malapitan o malayu man
laging malabo ang kodakan

kayat hindi ko na pinilit pa
kahit akoy walang kuha
at habang malayo ang tingin nya
nakunan ko ng larawan ang maamong mukha nya.

Nakaw man po ang pagkuha ko
sa mga litrato ng ibang tao
eh sa gusto ko pong maipakita sa inyo
ang mga nakaw na larawang kuha ng kamera ko.







10/16/2008

ANG AKING TULA AT MGA BULAKLAK SA TUWINA

Marami narin akong kuha ng mga larawan
na sa aking kompyuter ay nakaimbak lang
ang iba naman ay inyo nang natunghayan
ngunit karamihan ay ngayon palang

Sana lang po ay inyong pagtiyagaan
at sana ay huwag pagsawaan
ang kuha kong mga larawan
na sa inyo ay handog lamang.

Mga larawan ng bulaklak
na naghahatid ng galak
sa aking puso at sa inyo
mga kaibigan ko....

Lalu na kay ate Marie
na nagre request palagi
ang pinsan nyang hipncoolmomma si Girlie
at siyempre d rin mawawala si ate amy
kumusta sa inyo mga ``mon ami``