4/15/2009












Maraming salamat sa Poong Maykapal
at dininig niya lahat ng aking dasal
sa wakas ay makakapiling ko na
ang dalawang anak kong matagal nangulila

Kung nuong araw ay nakiiyak kayo
sa lahat ng hinagpis ko
ngayon naman ay ibinabahagi ko
ang tuwa`t sayang nadarama ko

ngayong araw po na ito
ay nakatanggap ako ng regalo
daig ko pa ang nanalo sa lotto
dahi may go signal na sa VISA ng mga anak ko.

kagaya ng mga bulaklak
ako ay natutuwa at nagagalak
magandang balita hindi po ba?
ang mga anak ko ay makakasama ko na.

isa na lang ang aking hiling
sana si nanay ay makasama rin
pag apply ng VISA, sya ay mapagkalooban din
para maihatid ang dalawa kong makulitin.

o sya mga ka blogkada
ako ay mag papaalam na muna
samahan nyo ako sa pagdasal ko
sana maging safe ang travel ng mga anak ko......


(hindi pa nga ako nakakabili ng ticket nila eh,
super excited lang po talaga ako..PAGBIGYAN)


4/14/2009

SEPIA...














I can`t help but to take portarits of her every single day we`re together...BABY AUDREY

4/07/2009

NUMERO UNO ANG TULA KO











Isang taon na naman ang tanda ko
Ngunit isa lang ang hinihiling ko
Sana sa susunod na Kaarawan ko
Makasama ko na ang mga anak ko

Ma, kailan po ang Punta namin dyan?
Yan ang tanong ng dalawang anak kong naiwan
Sagot ko naman sandali nalang,
May awa ang DIYOS darating din tayo dyan.

Miss ko na ang mga anak ko
Mahigit isang taon na namang nangungulila ako
Sa Poong maykapal lagi ang dasal ko
Diyos ko Ingatan nyo po ang mga anak ko

Maraming salamat at malakas pa si Nanay
Na sa aking 2 makukulit na anak ay gumagabay
Sa iyo nanay utang ko ang buhay ko
ILOVEYOU MAHAL KITA yan ang masasabi ko


O sya huwag na kayung maiyak diyan
Ang paggawa ko ng tula trip- trip lang yan
Pag bigyan nyo na ako dahil kaarawan ko
Numero UNO di ba ang tula ko.....

4/02/2009

BABY AUDREY










SIYA PO ANG DAHILAN
NG AKING PANSAMANTALANG PAMAMAALAM
KAYA AKO PO AY NAGLISAN
SA MUNDO NG BLOGKADAHAN


SORRY PO MGA KA BLOGKADA
AKO AY HINDI NAKAPAG PAALAM NA
AT BAGO MAN LANG AKO LUMISAN
HINDI KO NA KAYO NAABISUHAN


GANUN PA MAN MARAMING SALAMAT
SIYEMPRE SA INYONG LAHAT
MULA KAY ATE MARIE,KAY GIRLIE AT ATE AMY,
MGA KAPATID NA SILA GHEE, RHO,AT CIELO
AT SYEMPRE ANG NAGPABALIK SA AKIN SA BLOG NA ITO
SI ARLYNE MARIE NA PINSAN KO


LULUBOG, LILITAW
PERO NGAYON AKO AY HUMATAW
NANG MAKABAWI MAN LANG AKO SA INYO
MGA KAIBIGAN KO


NGAYONG MAY NAHANAP NA AKONG BAGONG MODELO
EH TIYAK NA MAGSASAWA KAYO
MGA KA BLOGKADAHAN, IPINAKIKILALA KO
SI BABY AUDREY NA ..ANAK KO
( ALAGA KO PALA, MALI NAMAN HEHE)