4/15/2009












Maraming salamat sa Poong Maykapal
at dininig niya lahat ng aking dasal
sa wakas ay makakapiling ko na
ang dalawang anak kong matagal nangulila

Kung nuong araw ay nakiiyak kayo
sa lahat ng hinagpis ko
ngayon naman ay ibinabahagi ko
ang tuwa`t sayang nadarama ko

ngayong araw po na ito
ay nakatanggap ako ng regalo
daig ko pa ang nanalo sa lotto
dahi may go signal na sa VISA ng mga anak ko.

kagaya ng mga bulaklak
ako ay natutuwa at nagagalak
magandang balita hindi po ba?
ang mga anak ko ay makakasama ko na.

isa na lang ang aking hiling
sana si nanay ay makasama rin
pag apply ng VISA, sya ay mapagkalooban din
para maihatid ang dalawa kong makulitin.

o sya mga ka blogkada
ako ay mag papaalam na muna
samahan nyo ako sa pagdasal ko
sana maging safe ang travel ng mga anak ko......


(hindi pa nga ako nakakabili ng ticket nila eh,
super excited lang po talaga ako..PAGBIGYAN)


3 comments:

Arlyna said...

Hey Mng Eden,

Wow, I feel excited for you and the kids. I hope Auntie Conching will be able to accompany them. Finally, you'll have peace of mind and we could meet them too in person. Please keep me posted. I'll inform Mama about the good news. Take care.

Francesca said...

are they with you na ba? saan photos???? ESKAYTED AKO

ghee said...

Hi Eden!

mabuti na lang at long last ay makakapiling mo na ang mga anak mo!im so happy for you!lots of blessings to come!!